Abante Tonite Interactive

Syndrome X

622

Gusto mo bang mawala ang 10 libra sa iyong timbang sa loob lang ng isang buwan? Sino ba naman ang tatanggi dito. Pero paano?

Dumarami ang mga nakakaranas ng tinatawag na Syndrome X – nagsisitabaan at nagkakaroon ng grupo ng sakit na sabay-sabay. Kabilang dito ang type 2 diabetes, sakit sa puso at problema sa pagdaloy ng dugo sa utak. Tinatawag din itong metabolic syndrome.

Hindi nagagamit ng husto ang insulin kaya tumataas ang blood sugar at nagiging sanhi ng diabetes. Ang lapay o pancreas ay pumapalya sa paggawa ng insulin o maaaring sumosobra ang ginagawang insulin pero hindi napapakinabangan.

Kapag pumasok na ang pagkain sa katawan at gagamitin na para sa enerhiya, gumagawa ang lapay ng insulin. Ito ang nagtutulak naman sa glucose o sugar patungong bloodstream para maging “gasolina” ng katawan. Mula sa bloodstream, pupunta ito sa muscles, fat at liver cells para maging enerhiya ng katawan. Pero kapag kaunti o sobra ang insulin, doon pumapasok ang kondisyon na diabetes.

Ang normal blood sugar level kapag hindi tayo kumain ay nasa pagitan ng 70 – 100 mg/dl. Kapag mataas dito, kandidato na sa diabetes.

Ang mataas na lebel ng bad cholesterol ay maaari ring maging sanhi ng metabolic syndrome.

Ang mga may diabetes at mataas na bad cholesterol ay kinakailangang mag-ehersisyo ng 20 hanggang 30 minuto bawat araw at kumain ng balanseng diet.
May tip si Dr. Edwin Bien, Integrative Medicine doctor, para mapababa ang blood sugar, bad cholesterol at mabawasan pa tayo ng 10 pounds sa loob lang ng isang buwan.

Ang mga kinakailangan:
Kangkong o leeks
Singkamas, ginayat
Repolyo
Broccoli o cauliflower

Ang paborito mong prutas (mango, apple, banana, etc.)
1 kutsaritang tabasco sauce
½ tasang na tubig
I-blender o ilagay sa isang juicer at haluin kasama ang tubig.
Uminom ng 2 baso araw araw at sa loob ng isang buwan, sabi ni Dr. Bien, laglag na ang 10 pounds mo!