Abante Tonite Interactive

All systems go sa impeachment – Kamara

By
1,262

All systems go ang impeachment proceedings­ laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Sa isang panayam, ipinaliwanag ni House Committee on Justice chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali kung ano ang step by step na magiging diskarte sa pag-abante ng proseso ng impeachment.

Dahil natapos na aniya ang botohan sa pagtukoy ng probable cause ay isusunod na ang pagbuo ng articles of impeachment at report ng komite.

“Bubuuin na namin ‘yung articles of impeachment on the basis of ‘yung pagbobotohan namin ngayon sa mga grounds… 
bubuo kami ng articles of impeachment at gagawa kami ng report para isumite ito sa plenary. But before we do that next week pagbobotohan uli namin ‘yung report coupled with the articles of impeachment,” paliwanag ni Umali.
Kinakailangan aniyang pagbotohan muna sa plenaryo para ma-impeach si Sereno sa Kamara.

“‘Yun sa plenaryo po ‘yun kasi we will have to vote upon this to impeach the Chief Justice dapat ‘yung plenaryo mismo ang mag-i-impeach kami po recommendatory lang kami sa Committee on Justice. Kami po tatapusin po namin ‘yung mandato namin bilang impeachment committee bago namin ihain ito sa plenaryo,” dagdag nito.

Kung masusunod ang ipinahayag ni Speaker Pantaleon Alvarez na hintayin muna ang kalalabasan ng quo warranto petition na inihain sa Supreme Court (SC) ng Office of the Solicitor Ge­neral (OSG) ay malamang na mauna ito bago sila magbotohan sa plenaryo.

“Dahil ‘yun po ang pahayag ng ating Speaker ‘yan po ay mangyayari bago po ito pagbotohan sa plenaryo. So, ‘yun pong amin pong report at saka ‘yung articles of impeachment isusumite po namin pagkatapos ng botohan namin next week sa rules committee at doon po pag-aaralan ang report at saka ‘yung articles of impeachment bago po ito pagbotohan sa plenar­yo on the third week of March. Pero kung ganito ang pahayag ng ating Speaker na hihintayin ang resulta ng quo warranto petition ay baka ito ay talakayin na pagbalik na po namin sa Mayo,” ayon pa kay Umali.

Kaya naman kung hindi magiging paborable sa OSG ang desisyon ng SC ay iaarya ang impeachment trial sa Agosto.