Abante Tonite Interactive

T.O.P. at G-Dragon may bromance

By
4,922

NA-TOUCH ang Korean netizen, lalo na ang mga tagahanga ng Big Bang dahil sa nakita nilang closeness at sweetness sa pagitan ng mga miyembro nito.

As we all know, tatlo nga sa miyembro ng Big Bang ay nasa military (Si Big Bang Taeyang ay sa March 12 ang enlistment). Pero sina T.O.P. at si G-Dragon ay parehong nasa military na ngayon.

Nagulat ang netizen nang makita nila ang picture nina T.O.P. at G-Dragon na magkasama sa mismong araw ng enlistment ng huli. Eh, kasalukuyang nagsi-serve si T.O.P. ng kanyang mandatory military service bilang isang public service worker, kaya paano raw itong nakasama ni G-Dragon noong February 27.

‘Yun pala, nakiusap talaga si T.O.P. na magamit niya ang kanyang bakasyon sa military sa araw na ‘yun para makita at mabigyan ng suporta ang leader ng kanilang grupo.
Makikita sa picture na magkayakap ang dalawa kaya ramdam na ramdam ang ‘bromance’ sa pagitan nila.

Isang representative sa government district ng Yongsan ang nagbigay ng pahayag sa YTN na nanghingi nga raw ng official leave si T.O.P. Aniya, “T.O.P made a call on the 27th and requested to use his vacation days. He used the official vacation days allowed for public service workers.”

Sa isang banda, pinili ni G-Dragon na mag-enlist ng tahimik lamang at wala ng anumang farewell o send-off lalo na sa mga tagahanga. Pero still, dahil na rin sa pagkikita nila ni T.O.P. nu’ng araw na yun, hindi pa rin naiwasang may mga larawan at balitang lumabas.

Sa November 2019 naman nakatakdang ma-discharge si G -Dragon sa kanyang military service while si T.O.P. naman ay sa June 2019.