Abante Tonite Interactive

T.O.P. iimbestigahan dahil sa Flower Road single ng Big Bang

By
4,412

POSIBLE raw na sumailalim sa imbestigasyon ang isa sa oldest member ng Big Bang na si T.O.P.

May kaugnayan ito sa pagkaka-release ng bagong single ng Big Bang na ‘Flower Road’ habang nagsi-serve siya ng kanyang military duties as public service worker.

Ang naturang kanta ay ni-release noong March 13. May inquiry na raw na ginagawa ang Yongsan District sa Seoul Police kung may na-break na batas si T.O.P. under Article 28 kunsaan nakasaad na hindi puwedeng tumanggap ng kahit anong trabaho ang lahat ng naka-enlist sa military.

Ayon sa Yongsan district, “We asked for confirmation on whether the song release is allowed. The Military Manpowers Administration will be looking over the situation by this week and give us an answer.”

Ang ibinigay na paliwanag naman ni T.O.P., noong 2015-2016 pa nila ginawa at ni-record ang kanta. At wala siyang ideya na iri-release nga­yon habang naka-enlist siya.

Pinagsusumite ng Yongsan District si T.O.P. ng kopya ng kanyang kontrata para malaman kung may nilabag nga ito sa batas.

Sa isang banda, ang kanilang Flower Road ay top sa music chart tulad ng Melon, Genie, Mnet, Soribada, Bugs, Olleh, Naver, and Monkey3 charts.

Hindi lamang ito nagta-top sa South Korea, maging sa international music chart ay napaka-positibo ng pagtanggap sa bagong single na ito ng Big Bang. Ang ‘Flower Road’ ay nagta-top din sa iTunes Top Songs Chart in 28 countries including New Zealand, Singapore, Hong Kong, Taiwan at Brazil.

Dahil lahat na sila, with Daesung who enlisted last March 13, ay kasalukuyang nagsi-serve ng kanilang military service at hiatus ang status nila sa music scene, para sa kanilang mga tagahanga ang ‘Flower Road’ ang magiging comfort nila habang naghihintay sa kanilang pagbabalik.