Abante Tonite Interactive

T.O.P nag-sorry sa mga fan

0 250

Isa-isa nang nagtatapos ng kanilang mandatory military service ang mga miyembro ng pioneer boy group sa South Korea na BIGBANG.

Masasabing isa sila sa instrumento kung bakit nakilala at naging popular ang K-pop sa buong mundo.

Pinakamatagal na nawala sa sirkulasyon at naantala pa ang military service ay si Choi Seung-hyun (mas kilala sa screen name niya as T.O.P.).

Si T.O.P. ang rapper, singer, songwriter, record producer at actor ng grupong BIGBANG. Pumasok siya sa military noong February 9, 2017 at dapat noong November 8, 2018 pa siya nakalabas. Pero June of 2017, he was found guilty of using marijuana. Nag-overdose pa ng anti-anxiety medicine at nakitang unconscious. Pagkatapos mabigyan ng disciplinary action, bumalik ito sa kanyang mandatory military service noong January 26, 2018 at nag-serve bilang public service officer sa Yongsan Arts and Crafts Center sa Seoul.

It was July 6, 2019 nang ma-discharge na siya.

Sa kabila ng mga scandal na pinagdaanan ni T.O.P. at ang dati nilang miyembro na si Seungri, hindi maikakaila na solid pa rin ng mga tagahanga nila.

Napakarami pa rin na dumating na mga fan nang ma-discharge na si T.O.P. noong July 6. Sinalubong nila ito sa kanyang last day as public service worker.

Naglaan naman ng oras si T.O.P. para batiin ang mga fan. Nakipag-handshake siya sa mga ito. Nag-deep bow bilang simbolo sa Korea ng paghingi ng paumanhin, pagbibigay ng malaking respeto at pasasalamat.
Si T.O.P. ang isa sa may malaking followers sa Instagram with 9.3 million. Ang huling post niya ay noong April 2017 pa at nag-resume lang siyang muli nang lumabas siya.

Ipinost ni T.O.P. ang pila ng mga fan niya na sumalubong sa kanya. Pati na rin ang kanyang personal na mensahe ng pasasala-mat at panghingi ng paumanhin.

Sa ngayon, siguradong marami ang mag-aabang kung ano ang magiging plano ni T.O.P. pagkatapos lumabas sa military camp.