Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taal 355 beses yumanig

0 457

Nakapagtala ng 355 volcanic earthquakes sa loob ng 24 oras ang Taal Volcano kung saan ang ilan sa pagyanig ay tumagal ng 35 minuto, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa Phivolcs, nasa 154 volcanic tremors ang tumagal ng 2-35 minuto, bukod dito ay naobserbahan din ang pagtaas ng volcanic fluids sa Main Crater, paglabas ng usok na may taas na 200 meters at tumaas din ang antas ng sulfur dioxide emissions na nasa 3,463 tons.

Patuloy na inoobserbahan ng Phivolcs ang Taal at sa ngayon ay wala pang nakikitang basehan para itaas ang kasalukuyang Alert Level 2. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.