Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taal alboroto pa, 193 pagyanig naitala

0 311

Tuloy sa pagtaas ng aktibidad ang Bulkang Taal matapos itong magtala ng panibagong 193 pagyanig sa nakalipas na 24 oras.

Sa bulletin kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), sa nangyaring pagyanig, 156 dito ay tumagal ng isa hanggang 15 minuto.

Umabot naman sa 20 metro ang taas ng usok na lumalabas sa bulkan.

Nitong Marso 20, naglabas naman ng 830 tonnes/araw ng sulfur dioxide ang bulkan.

“These parameters may indicate increased magmatic activity at shallow depths beneath the edifice,” ayon sa ahensya.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa Taal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.