Abante Tonite Interactive

Taal ‘di bumuga ng abo pero delikado pa rin

288

Inihayag ng Philippine ­Institute of ­Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang naitalang ­pagbuga ng abo o ash emission ang ­Bulkang Taal simula ­Miyerkoles ng umaga.

Gayunman, ayon kay ­Phivolcs Volcano ­Monitoring and Eruption Prediction ­Division head Mariton Bornas, bagama’t walang naitalang pagbuga ng abo ay mahirap pa umanong sabihin kung hindi na puputok o ligtas na ang bulkan dahil may mga magma na namataan sa ibabaw nito.

“But this does not mean that we should be complacent. This is a dilemma kung paano natin iinterpret ‘yung nakapondo na magma na dumaan at nagbitak bitak na lupa,” ani Bornas.

Kaya hindi pa rin umano nila ibinababa ang Alert Le­vel 4 ng Bulkang Taal dahil ma­laki pa rin ang posibilidad ng pinangangambahang delikadong pagsabog nito sa mga ­susunod na oras o araw.

Tinatangay din ­umano ng hangin ang mga abo na ­bumabalot sa bulkan sa ­direksyong Southwest na ­nakakaapekto sa mga ­bayan ng Lemery at Agoncillo sa probinsya ng Batangas. (­Dolly Cabreza)