Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taal, Mayon, 2 pang bulkan, abnormal ang kondisyon

0 81

Apat na bulkan ang binabantayan ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dahil sa abnormal na kondisyon ng mga ito.

Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, mino-monitor ng kanilang ahensya ang mga bulkan ng Taal sa Batangas, Mayon sa Albay, Bulusan sa Sorsogon at Kanlaon sa Negros.

SM food to go Banner Ad

“At Alert Level 1, all the 4 mentioned volcanoes earlier can actually have a steam-driven explosion,” ayon kay Solidum, kasabay ang pag-abiso sa mga malalapit sa lugar na huwag maglagi sa danger zone ng mga naturang bundok.

Saad pa ni Solidum, may kaunting pamamaga silang nakikita sa Taal matapos itong mag-alburoto noong Enero. May nakita ring pagkilos ang Phivolcs sa Bulkang Mayon kaya’t kasama ito sa binabantayan. Aniya, “Mayon Volcano also is slightly again inflating from its base. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.