Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taal nagbubuga ng volcanic smog, asupre

0 223

Inabisuhan kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko na mag-ingat mula sa exposure sa volcanig smog (vog) at sulfur dioxide (S02) matapos maobserbahan ang maantas na antas nito na ibinuga ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, partikular na apektado ang mga naninirahan `di kalayuan sa bulkan lalo na ang mga may kondisyon sa kalusugan katulad ng asthma, lung at heart disease, buntis at may allergy.

Ang S02 gas exposure ay maaaring magdulot ng iritasyon sa balat, mata, ilong at lalamunan habang ang pagkalantad sa vog na isang air pollution galing sa bulkan ay magdadala ng iritasyon sa respiratory tract.

“The aerosol particles in vog could also penetrate the lungs and could induce the symptoms of asthma,” ayon sa Phivolcs.

Payo nito sa mga may health condition na manatili muna sa kanilang bahay.

Naitala ang S02 emission ng Taal sa 5,675 tonelada average habang ang ibinuga nitong usok ay may taas na 1800 meters.

Kasalukuyang nasa alert level 2 ang Bulkang Taal. Sa ganitong antas ay maaaring magkaroon ng biglang paglabas ng usok, volcanic earthquake, minor ash fall at pagbuga ng volcanic gas. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.