Abante Tonite Interactive

Taal nagbuga ng lava

0 482

Tuloy pa rin ang hydrovolcanic na aktibidad ng Bulkang Taal kahapon matapos itong magbuga ng lava fountain kung saan umabot ng mahigit dalawang kilometro ang kumukulong putik at makapal na usok mula sa bunganga ng bulkan.

Ayon sa 4:00 pm report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakaranas ng makapal na ashfall ang bahaging southwest ng bulkan sa Batangas, partikular sa bayan ng Cuenca, Lemery at Taal.

“After a brief of wa­ning of activity follo­wing lava fountaining at 2:49 to 4:28 today. Taal’s eruption resumed immediately,” sabi ng Phivolcs.

“New lateral vents were observed to have opened up on the nor­thern flank where short 500 meter fountains emanate,” dagdag pa nito.

Sa direksyong patu­ngong Quezon na ang ihip ng hangin kaya makakaiwas na sa ashfall mula sa Taal ang Metro Manila.

Sa wind forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (Pagasa), sinabi ni weather bureau specialist Aldczar Aurelio na ang ash mula sa bulkang Taal ay hahangin na patungong Quezon Province dahil ang direksyon ng hangin ay patungong northeast o sa lugar ng Laguna hanggang Pollilio Island.

Bunga nito ay wala ng inasahang ashfall sa bahagi ng Metro Manila sa susunod na tatlong araw o hanggang sa Huwebes, Enero 16.

Magandang balita ito sa operasyon ng airport dahil maaaring maibalik sa normal ang operasyon sa mga susunod na araw. (Tina Mendoza)