Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taal nagtala ng 74 pagyanig

0 269

Nagtala ng panibagong 74 volcanic earthquakes ang Bulkang Taal, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology kahapon.

Kabilang anila rito ang 46 volcanic tremors na tumagal nang isa hanggang apat na minuto.

“Samantala, mahinang pagsingaw, na may taas na 10 metro, mula sa mga fumaroles o gas vents ang naganap sa Main Crater,” saad ng Phivolcs sa Marso 14 bulletin nito.

Ang sukat anila ng ground deformation ng bulkan ay nagsasaad ng marahan at patuloy na pamamaga ng Taal magmula nang sumabog ito noong Enero 2020.

“Sa kabuuan, ang mga nabanggit na batayan ay maaaring nagsasaad ng patuloy na pagligalig ng magma sa ‘di kalalimang bahagi ng bulkan,” dagdag ng ahensiya.

Pinaalalahanan ng ahensiya ang publiko na kasalukuyan pa ring nakataas ang Alert Level 2 sa Bulkang Taal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.