Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taal sumirit pagbuga ng asupre

0 28

Nasa 15,508 tonelada ang ibinugang sulfur dioxide (SO2) o asupre ng Taal Volcano na naglikha ng volcanic smog sa ilang lugar sa Batangas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Huling nakapagtala ng mataas na SO2 emission ang Taal noong Agosto 22 na nasa 15,416 tons habang ang pinakamataas na naitala ngayong taon ay noong Hulyo 4 na nasa 22,628 tons.

Ipinaliwanag ng Phivolcs na ang mataas na SO2 emission ay indikasyon na ang magma sa loob ng bulkan at umakyat na sa crater o bunganga nito.

Dahil sa mataas na vog, muling nagpaalala ang ahensiya na magsuot ng N95 mask ang mga residente sa mga apektadong lugar sa paligid ng bulkan at kung maaari ay umiwas nang lumabas.

Ang exposure sa vog ay maaari anilang magdulot ng iritasyon sa mata, lalamunan at respiratory tract, at partikular na pinag-iingat ang mga may health condition, matatanda, bata at buntis.

Nananatiling nakataas ang alert level 2 sa Bulkang Taal. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.