Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taal tuloy sa pag-alburuto

0 86

Nakapagrehistro ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng isang volcanic earthquake at limang yugto ng volcanic tremor sa Bulkang Taal kahapon.

Isa hanggang tatlong minuto ang tinagal ng mga pagyanig.

“Katamtamang pagsingaw, na may taas na 20m, mula sa mga fumaroles o gas vents ang naganap sa main crater,” saad ng Phivolcs kahapon ng umaga.

SM food to go Banner Ad

Kasalukuyan pa ring nakataas ang alert level 1 sa Bulkan.

Anila, sa alert level 1, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island.

Leave A Reply

Your email address will not be published.