Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taal tuloy sa pagyanig – Phivolcs

0 163

Naitala ang nasa 26 na volcanic earthquakes sa Taal Volcano sa loob ng 24 oras na obserbasyon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.

Sa bulletin ng ahensya, sinabing naobserbahan sa bulkan ang mahina hanggang katamtamang paglalabas ng steam o fumarolic activity na may taas na 50 metro mula sa fissure sa Daang Kastila Trail.

SM food to go Banner Ad

Ayon pa sa Phivolcs, nananatili pa rin namang nakataas ang Alert Level 1 sa bulkan. Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na posibleng mangyari ang biglaang phreatic explosion, volcanic earthquakes, minor ashfall, at paglalabas ng volcanic gas.

Pinagbabawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island na permanent danger zonem lalo na ang main crater at Daang Kastila fissure.

Leave A Reply

Your email address will not be published.