Abante Tonite Interactive

Taal Volcano tinaas sa alert level 1

206

Inilagay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 1 ang Taal Volcano sa Batangas matapos na makapagtala ito ng 87 volcanic earthquake sa loob ng 24-oras.

Ayon sa Phivolcs, hindi pangkaraniwan ang kanilang naitala na mga pagyanig sa Taal Volcano kaya mas mahigpit na monito­ring ang isasagawa sa bulkan.

Sa alert level 1, ipinagbabawal na makalapit ang publiko sa Taal Volcano.

Pinaalala rin ng Phivolcs na ang buong isla ng Taal Volcano ay isang permanent danger zone at hindi pinapayagan na may manirahan dito. (Tina Mendoza)