Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taal walang tigil sa pagyanig

0 95

Panibagong 14 pagyanig o volcanic tremor ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkang Taal.

Ayon sa Phivolcs, bawat pagyanig ay tumatagal ng isa hanggang 4 na minute.

Batay sa bulletin kahapon ng ahensya, nakataas pa rin ang alert level 1 sa bulkan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Anila, sa Alert Level 1, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay posibleng maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI.

“Sa kabila nito, mayroon lamang mahinang pagsingaw mula sa mga fumaroles o gas vents sa Main Crater,” saad pa ng Phivolcs sa Pebrero 28 bulletin nito.

Iminumungkahi ng Phivolcs na “maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang permanent danger zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng main crater at ng Daang Kastila fissure.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.