Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taas diskuwento sa tubig, kuryente ng mga senior lusot

0 155

Pasado na sa ikatlong pagbasa ng Kamara ang House Bill 10568 na la­yong itaas ang diskuwento ng mga senior citizen sa mga bayarin sa tubig at kuryente.

Sa pamamagitan ito ng botong 203 pabor at walang tutol.

Mula sa kasalukuyang five percent na diskuwento na salig sa Expanded Senior Citizens Act ay itataas na ito sa 10 percent.

SM food to go Banner Ad

Saklaw ang naturang diskuwento sa unang 150 kilowatt hours na konsumo sa kuryente habang sa unang 30 cubic meters naman para sa konsumo sa tubig at ito’y libre sa Value Added Tax (VAT).

Kailangan lamang na nakarehistro o nakapa­ngalan sa senior citizen ang metro ng kuryente at tubig. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.