Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taas kontribusyon ng SSS sasalubong sa Enero

0 75

Nakatakdang magpatupad ang Social Security System (SSS) ng isang porsyentong pagtataas sa buwanang kontribusyon ng kanilang mga miyembro simula Enero 2021.

Sabi ni SSS President at CEO Aurora Ignacio sa isang pahayag nitong Martes, tataas ang buwanang contribution rate sa 13% mula sa kasalukuyang 12%.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Ignacio, para sa mga nagtatrabaho na miyembro nila kabilang ang mga OFW, ang karagdagang isang porsyento ay hahatiin nang pantay sa pagitan nila at ng kanilang mga amo, na magdadala sa breakdown rate ng kontribusyon sa 8.5 porsyento para sa kanilang mga employer at 4.5 porsyento para sa kanila.

“Those who will be paying under the P10,000 MSC starting next year will pay a monthly contribution of P1,300, which is P100 higher than the P1,200 in 2020,” paliwanag pa ni Ignacio. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.