Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taas-presyo ng harina binabala

0 108

Inanunsiyo ng isang grupo ng mga flour miller na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng harina bagama’t hindi naman kapos ang supply nito sa merkado.

Sa panayam ng Teleradyo kahapon, sinabi ni Ricardo Pinca, executive director ng Philippine Association of Flour Millers Inc., dumoble ang presyo ng trigo at isa sa mga dahilan ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

SM food to go Banner Ad

Isa ang Ukraine sa pinakamalaking supplier ng trigo sa mundo. Subalit may epekto rin umano ang tagtuyot na nararanasan sa Estados Unidos at Canada.

Ayon kay Pinca, binibili nila dati ang trigo sa $230 kada metric tonelada subalit sa ngayon umabot na sa %500 ang halaga nito at maaaring madagdagan pa sa mga susunod nilang pagbili ng supply.

Leave A Reply

Your email address will not be published.