Abante Tonite Interactive

Taas presyo ng manok, baboy bawal — DA

247

Pinuna ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang malaking patong sa presyo ng manok at baboy na labag sa RA 7581 o Price Act na naglalayong ­proteksyonan ang mga consumer laban sa mapan­samantalang pagtataas ng mga ­presyo ng pangunahing bilihin.

Sabi ni Dar, P77.44 kada kilo ­lamang ang farm gate price ng ­manok pero ang presyo nito sa mga palengke ay nasa P157.52 kada kilo at ang ­patong ay nasa P80.08 kada kilo.

Sa baboy, ang farm gate price ay nasa P98.04 per kilo subalit ang presyo sa palengke ay nasa P224.04 per kilo at ang patong ay nasa P126 per kilo.
Tumaas umano ang presyo ng mga ito noong Christmas season at hindi pa rin bumababa ang presyo nito kahit bumaba na ang demand.

Bigla rin umanong tumaas ang presyo ng baboy at manok ­pagkaraan nang pagputok ng Bulkang Taal na labag din sa batas.

Inatasan na ng kalihim ang mga ahensya nito at iba pang akgawan para bantayan ang iligal na manipulasyon sa presyo ng baboy at manok. (Eileen Mencias)