Abante Tonite Interactive

Taas presyo sa diesel, gasolina

233

May nakaamba na namang taas presyo sa petrolyo sa susunod na linggo at nauna nang nag-anunsyo hinggil dito ang Unioil Philippines nitong Sabado.

Sa anunsyo ng Unioil, posibleng tumaas ang presyo ng diesel ng mula P0.65 hanggang P0.75 sentimo kada litro at ang gasolina mula P1 hanggang P1.10 kada litro.

Ito umano ang pagtataya ng mga oil expert base sa galaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), naglalaro ngayon ang presyo ng gasolina mula P46.10 hanggang P56.49 kada litro depende sa lugar at ang diesel mula P38.84 hanggang P43.60 kada litro.

Nabatid rin na nasa P5.15 kada litro na ang itinataas sa presyo ng gasolina mula noong Enero, P3.30 sa kada litro ng diesel at P1.75 sa kada litro ng kerosene.

Karaniwan nang tuwing araw ng Martes ipinapatupad ng mga kompanya ng langis ang price adjustment. (Armida Rico)