Abante Tonite Interactive

Taas-presyo sa petrolyo sa Martes

238

May nakaamba na naman ng pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo (Agosto 20).

Sa anunsyo ng ilang mga kompanya ng langis tulad ng Caltex at Petro Gazz, nasa P0.75 kada litro sa diesel at tig-P0.50 centavos naman sa gasolina at kerosene ang posibleng dagdag ang ipapatupad sa susunod na Martes nang umaga.

Ang nakaambang taas-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. (Armida Rico)