Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taas-presyo uli sa petrolyo higit P1

0 42

Nakatakda ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo ng ilang kompanya ng langis ngayong Martes.

Nag-abiso na ang Caltex, Shell at Seaoil na magtataas sila ng P1.30 sa kada litro ng gasolina, P1.50 sa diesel at P1.45 sa kerosene.

Ganito rin umano ang magiging taas-presyo ng gasolina at diesel sa Cleanfuel at Petro Gazz.

Samantala, habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang abiso ang ibang kompanya ng langis.

Nabatid na ito na ang ikapitong sunod na linggo ng taas-presyo ng mga produktong petrolyo.

Kaugnay nito, humihirit na ang mga jeepney driver ng dagdag-pasahe dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo ng petrolyo sa bansa.

Giit ni Pasang Masda vice president Jojo Martin sa isang panayam sa radyo kahapon nag awing P12 na ang kasalukuyang minimum fare na P9.

Pahayag naman ni Boy Vargas ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ATODAP) na wala umanong ginagawang tulong sa kanila ang pamahalaan sa gitna ng sumisirit na presyo ng petrolyo. (Mark Joven Delantar/Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.