Abante Tonite Interactive

Taas–sahod pa sa mga guro puntirya ni Angara

0 139

Kung sinsero ta­yong bigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan, dapat muna nating tiyaking may maganda tayong pasahod sa mga public school teacher.

Ayon kay reelectionist Senator Sonny Angara ang dekalidad na edukasyon ay nagmumula sa mga dekalidad na guro, kaya’t sana, ikonsidera na ng gobyerno ang pagpapataas sa sahod ng mga public school teacher.

“Alam naman natin na hindi lang pera ang dahilan kung bakit nagsisikap sa kanilang propesyon ang ating mga guro. Ito ay dahil mahal nila ang kanilang trabaho. Pero hindi sila martir. Pahalagahan din dapat natin ang kanilang mga sakripisyo sa pamamagitan ng maayos at disenteng kompensasyon,” saad ni Angara, muling tumatakbo bilang senador sa ilalim ng platapormang ‘Ala­gang Angara’.

Pahayag ito ng senador sa kanyang pagbisita sa Lucena City, kasama ang buong puwersa ng Hugpong ng Pagbabago sa pangunguna ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.