Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taas-singil sa jeep pasahe P1.26 lang – LTFRB

0 65

Inihayag ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) naposibleng umabot sa P1.26 ang dagdag sa minimum fare hike para sa mga pampublikong sasakyan base sa kanilang pagkalkula o ‘computation.’

“Based on the formula provided under the memorandum circular on [fare] increases [needed] due to rising cost of fuel, our computation year-on-year won’t be higher than P1.26,” ayon kay LTFRB executive director Joel Bolano sa Laging Handa briefing nitong Martes.

Inaasahan namang maghaing ng petisyon ang Pasang Masda upang hilingin na gawing P3.00 ang itaas sa pasahe, kung saan mula sadating P9.00 ay magiging P12 dahil sasunod-sunod na pagtaas ng mga produktong petrolyo sa padaigdigang merkado.

“We are still evaluating this given our situation, and what other steps can be done such as providing fuel subsidy just like in 2019. Providing for fuel subsidy was convenient since it was coursed through Landbank, even though there were drivers who did not necessarily use the subsidy for fuel,” paliwanag pa ni Bolano.(Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.