Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taas-singil sa kuryente hinarang

0 302

Humingi ng saklolo si House Committee on Ways and Means chairperson Joey Salceda sa Malacañang at kay Energy Secretary Alfonso Cusi upang mapigilan ang nagbabadyang malaking pagtaas sa presyo ng kuryente sa Albay.

Ayon kay Salceda, overexposed ang Albay sa pagbabago ng presyo sa electricity spot market. Dahil sa mababang suplay at malaking demand ay tumaas ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na magreresulta aniya sa mas mataas na singil sa mga taga-Albay.

Upang maiwasan ito, hiniling ng Albay Power and Energy Corp. sa Department of Energy (DOE) na payagan itong pumasok sa emergency power supply agreement (EPSA) sa mga planta ng kuryente.

Pero ibinasura ng DOE ang kahilingan.

SM food to go Banner Ad

Humingi ng tulong si Salceda sa isang senador at kay Cusi para maiwasan ang malaking pagtaas sa presyo ng kuryente sa Albay.

“Thanks to Sen. Bong Go and Sec. Cusi, the DOE will issue on Tuesday a certificate of exemption from CSP (competitive selection process) to APEC for 6 months.”

Paliwanag ng mambabatas, maaaring bumili ng kuryente ang APEC sa mga planta na nagbebenta sa halagang P6.70 kada kiloWatt hour malayo sa P13.47/kWh na presyuhan sa WESM.

Dahil dito, maaaring bumaba sa P8.40/kWh ang singil sa Albay para sa buwan ng Hulyo. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.