Abante Tonite Interactive

Taas singil sa kuryente nakaumang

92

Inihayag ng pamunuan ng Meralco na magtataas sila ng singil sa kuryente pagpasok ng buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, head ng Public information Office ng Meralco, nakatakdang ianunsiyo ng kompanya ang pinal na taas si­ngil sa kuryente sa darating na Nobyembre 7.

Idinahilan nito na magi­ging mas mataas ang average price ng kuryente mula sa spot market kaya maaaring magkaroon ng bahagyang pagtaas sa kanilang singil sa Nobyembre.

Matatandaang tumaas ng P0.04 kada kilowatt hour ang singil sa kuryente noong Oktub­re kasunod ng ilang buwang bawas singil. (Vick Aquino)