Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tabal aawra sa MMK

0 153

Muling itatampok ang istorya ng buhay ni 2016 Rio de Janeiro Olympian marathoner Mary Joy Tabal sa “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado sa ABS-CBN Facebook page, Sky Cable channel 2 at Cignal channel 22.

“My Life story to be aired again this Saturday,” lahad ng 2017 Malaysia Southeast Asian Games gold medalist at six-time National MILO Marathon Finals champion sa kanyang Instagram post Biyernes.

SM food to go Banner Ad

Sa episode ng programa na pagbibidahan ni actress Sharlene San Pedro, babalikan ng 31-year-old, 4-foot-11 at Cebu City native ang kwento ng pagsusumikap at inspirasyon niya bago naging “Marathon Queen of Cebu” at pinakaastig na naging Pinay marathon runner.

Puspusan pa rin sa ngayon ang pag-eensayo preparasyon ni Tabal sa professional running career dahil sa plano ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa pagpapalahok sa kanya sa 36th Standard Chartered Singapore Marathon 2020 sa December 6 sa nasabing city state, o sa 3rd Adnoc Abu Dhabi Marathon 2020 sa UAE sa Dec. 11.

Ang dalawang okasyon ay parehong qualifying races para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong ng Covid-19 sa July 2021. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.