Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tabal todo pakondisyon

0 88

Maski walang kasiguruhan sa Philippine Amateur Track and Field Association (Patafa) para sa Olympic Qualifying Races, at sa pagbabalik ng mga lokal na karera, hindi nagpapabaya si 2016 Rio de Janeiro Olympian marathoner Mary Joy Tabal sa kanyang kalusugan.

Sa Instagram account niya Biyernes ng hapon, pinaskil ng 2017 Southeast Asian Games gold medal winner at six-time National MILO Marathon queen, ang patuloy niyang pag-aalaga sarili sa pamamagitan ng pagtakbo sa kabila na may pandemya.

“It’s Friday! And it’s time for another run and a workout . Make it a good one!” caption ng 31 taong-gulang, 4-11 ang taas at tubong Cebu City na naka-running outfit.

Huling dalawang malaking tinakbo ng dalagang nakatakdang magpatali na sa isang sundalo ang 30th SEA Games Philippines 2019 ng Disyembre ng nasabing taon at 42nd NMM 2020 noong Enero parehong sa Tarlac. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.