Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tablado si LeBron! Clippers ang kampeon – Durant

0 437

Maraming naglista sa Los Angeles Lakers ang uupo trono sa muling pagbubukas ng 74th NBA 2019-20 sa Orlando, Florida.

Pero para kay Brooklyn Nets star Kevin Durant, ibang LA ang makakakuha ng kampeonato ngayong taon.

Sa panayam sa Play for Keeps podcast, sinabi ng two-time NBA champion na Clippers at Milwaukee Bucks ni Giannis Antetokounmpo ang magtatagpo sa Finals.

“If I had to choose… I’ll go with Clippers and Bucks for the championship,” lahad ni Durant. “And I’ll go with the Clippers.”

Pinalakas ang Clippers ng dalawang MVP contender noong nakaraang season na sina Paul George at two-time NBA champion Kawhi Leonard, kaya hindi malayo na posibleng madala ng star players ang koponan sa promised land.

“When you have Paul George and Kawhi Leonard at the wings. You got those two at the wings, arguably top three, top four at the wing position on one team.” (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.