Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tabuena amoy ang titulo

0 59

Pasiklab si 2016 Rio de Janeiro Olympian Miguel Luis Tabuena Quail Hallow golf course sa Boise, Idaho nang humambalos ng seven-under par 63 tungo sa five-shot lead sa Idaho Open penultimate playdate nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Bumira ang 26 na taong-gulang, 5-6 ang taas na Pinoy golfer mula sa Maynila, ng siyam na birdie laban sa dalawang bogey para sa two-day 12-under 128 patungo sa last 18-hole sa Linggo o ngayong Lunes sa ‘Pinas.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Solo sa pangalawa si American Brad Marek na may 69-133 at tabla sa pangatlo sa 6-under sina local bets Steve Schneiter at Jamie Hall mula sa 65 and 66 na mga sinalansan.

Bahagi ito ng preparasyon ni Tabuena sa first tage ng Korn Ferry Tour Qualifying School. Nakatakda rin siyang pumela sa Dayton Valley Golf Club sa Nevada, na isa sa 12 playing venue ng first stage ng Q-School qualifying. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.