Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tabuena balik sa Asian Tour

0 131

Naudlot sa Korn Ferry Tour Qualifying School ng Professional Golf Association Tour sa United States, ibabaling na lang muna ni 2016 Rio de Janeiro Olympian Miguel Luis Tabuena ang kampanya sa pagbabalik sa November ng 26th Asian Tour 2020-21.

Tumapos ang 27-year-old, 5-foot-6 Pinoy shotmaker na 2021 Idaho Open champion at suportado ng ICTSI sa KFTQS Stage I sa Nevada sa mga unang araw ng buwang ito sa 37t place, bumigo sa kanya sa Stage II nitong Oct. 12. Nagbibigay ang four-stage event ng PGAT membership sa PGAT farm league players buhat sa final phase.

Nahinto sa Malaysian Open noong March 2020 sanhi ng Covid-19 na nag-lockdowns sa mga bansa ang AT, na itutuloy sa $1M (P50M) Blue Canyon Championship sa Nov. 25-28, at $1M Laguna Phuket Championship sa Dec. 2-5 parehong sa Thailand. May dalawa pang leg sa January 2022 sa Singapore. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.