Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tabuena bibida sa Batangas

0 71

NAKAMATA si Miguel Luis Tabuena sa isa pang titulo sa course na dalawang beses na siyang naghari sa pamumuno sa mga sikat na 60-player sa pagsiklab ng P2M ICTSI Splendido Taal Championship ngayong Martes sa Laurel, Batangas.

Tiwala siya sa mapuwersang laro kahit galing sa matagal na pahinga mulang ungusan si Clyde Mondilla sa sudden death upang pamayagpagan ang ICTSI Luisita noong Marso.

SM food to go Banner Ad

Sumabak siya sa Thailand saka lumiban sa sumunod na yugto ng Philippine Golf Tour sa Caliraya upang pumalo sa abroad, pero ang pagkabulilyaso sa pagdayo sa Korea ang nagpawala sa kanyang porma sa nakaraang ilang linggo.

Isa siya sa mga markadong manlalaro sa torneo na inoorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. dahil sa kanyang talento at kasanayan na nagpasimula ng panalo rito na una sa pro career noong 2012. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.