Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tabuena hahablot ng qualifying ticket

0 91

Makikipagrambulan sa 21 puwesto sina Miguel Luis Tabuena at Lloyd Go sa 75 kalahok sa Korn Ferry Tour Qualifying School Stage 1 sa Dayton Valley Golf Club sa Dayton, Nevada simula sa Martes (Miyerkoles sa Manila).

Ang event ang isa sa anim na satellite qualifier sa first stage ng KFT Q-School. Ang iba pa ay sa Gunter, Texas; Kannapolis, North Carolina; Lincoln, Nebraska; West Palm Beach, Florida at Woodstock, Illinois. Ang mga qualifier ang aabante sa Stage 2 sa limang playing-venue sa Oct. 12.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Papalo ang final stage sa Nov. 4-7 sa Savannah, Georgia at dito kukunin ang mga iba pang hahampas sa Professional Golf Association Tour ng Estados Unidos.

Tutuntungan ni Tabuena, 26, two-time Philippine Open king at suportado ng ICTSI, ang tagumpay sa Idaho Open sa buwang ito, habang si Go sa pagiging dating national champion. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.