Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tabuena umangat sa Tour

0 47

Bumangis si 2016 Rio de Janeiro Olympian Miguel Luis Tabuena nang bumira ng four-under par 68 na nagpalakas ng kanyang tsansa sa first stage ng Korn Ferry Tour Qualifying-School sa Dayton Valley Golf Club sa Nevada Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

Umangat ang magbe-27-anyos sa Oct. 13 at suportado ng ICTSI na Pinoy shotmaker mula sa Manila sa two-under par 142 sa pagsalo sa 31st, dalawang palo lang ang layo sa labas ng Magic 21.

Related Posts

Dumausdos naman si Lloyd Jefferson Go sa 45th sa 146 pagkatapos ng 74 sa 75-player, 72-hole stroke play, four-day event .

Nasa taas sina home bets Gregory Moss (66) David Bradshaw (67) at Skyler Finnell (69) sa identical 11-under 139 kung saan ang top 21 ang aabante sa second stage sa Oct. 12. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.