Abante Tonite Interactive

TACLOBAN RAPE-SLAY!

176

Kalunos-lunos ang sinapit na kapalaran ng isang mag-asawa sa kamay ng hindi pa kilalang mga suspek na armado ng hindi mabatid na kalib­re ng baril na ginamit sa pagpatay sa lalaking mister habang wala naman umanong awang pinagsamantalahan ang misis ng biktima sa Northern Samar, Tacloban City.

Ayon sa report ng pulisya, nakilala ang nasa­wing biktima na si Edito Lucindo, 31-anyos, ng Sitio Cag-Anibong, Bgy.Bagacay Palapag , Nor­thern Samar.

Base sa report ng Palapag Municipal Police Station, papunta umano ang mag-asawa sa kanilang sinasakang bukid at papatawid sa isang sapa nang biglang harangin ang mga ito ng tatlong armadong mga kalalakihan.

Walang kaabug-abog umanong pinagbabaril ng mga suspek ng hindi pa nabatid na kalibre ng baril ang walang kalaban-labang biktima na nagresulta ng agarang kamatayan nito.

Nang matiyak na wala nang buhay ang biktima ay saka naman pinagba­lingan ng mga suspek si misis na wala umanong ginawa kundi mag-iiyak habang nagmamakaawa.

Sa kabila ng pagsusumamo ay hindi umano ito pinaligtas at halinhinang hinalay ng mga suspek bago basta na lamang inabandona ang ginang at ang labi ng wala nang buhay na mister nito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation ng mga awtoridad laban sa tatlong tumakas na mga suspek.

Tonite – Wendys Inhouse Ad