Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taduran magdedepensa

0 68

Sasailalim si International Boxing Federation (IBF) world minimumweight champion Pedro “Kid Pedro Heneral” Taduran sa mandatory title defense kontra No. 3 contender Rene Mark Cuarto sa darating na Feb. 24 sa Lagao Gymnasium sa Gen. Santos City.

SM food to go Banner Ad

Kaya todo ang 24-anyos na Bikolanong boksingero buhat sa Albay sa training camp niya Bangr, La Union kahit dumaan ang Kapaskuhan upang paghandaan ang challenger niyang mula naman sa Zamboanga del Norte.

Inaantay nina Taduran at former world champ/coach Tacy Macalos si Orient and Pacific Boxing Federation (OPBF) minimumweight champion Lito Dante mula sa Maynila para kanya ring maka-spar. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.