Abante Tonite Interactive

Taeyang na-miss si Seungri kesa sa asawa

By
1,757

Bukod-tanging si Seungri lang ang mi­yembro ng Big Bang na hindi naka-enlist ngayon sa mandatory military service. Ang ibang mga mi­yembro ng isa sa pinakasikat at pioneer na South Korean male boy band na ito ay pawang nasa military tulad nina T.O.P., G. Dragon­, Taeyong at Daesung.

Kaya naman sa kanilang lahat, si Seungri lang ang visible at sa naging speech nga niya sa nakaraang Blue Springs Festival 2018, marami sa mga Big Bang fan ang natuwa sa tila pag-a-update ni Seungri sa mga ka-miyembro na enlisted ngayon.

Una sa lahat, sinigurado niya lalo na sa mga tagaha­nga nila na nag-aalala sa kung paano nagko-cope-up ang apat sa loob ng camp. Ayon kay Seungri, lahat daw ng mga ito ay “doing well” o maayos na nagsi-serve ng kanilang duties.

Narito ang mga pahayag ni Seungri, “First of all, our members are doing very well.”

Kamakailan lang nga raw ay nagkaroon ng oportunidad si Taeyang na makausap siya sa telepono. Naaliw ang mga fan nang marinig ang kuwento ni Seungri tungkol kay Taeyang na namimiss daw siya. Natawa sila na sa halip na ang Misis nito, ang aktres na si Min Hyo Rin, bilang kakasal lang nila ang tawagan, e, siya raw ang tinawagan.

Kuwento ni Seungri, “Recently, I spoke to Taeyang on the phone. He did really well on his training and received the opportunity to use the phone. As soon as I answered the phone he said, ‘Seungri, it’s Taeyang.’ So I said, ‘You should’ve called your wife why are you calling me!

“He said he missed me.”

Ibinalita rin ni Seungri na si G Dragon ay tumataba raw ngayon sa military.

Aniya, “I was worried whether G-Dragon would be able to adjust but he’s doing very well. He’s even gained some healthy weight. He used to be reall­y thin, but yes, he’s gained some weight.”

Gayundin si T.O.P na sa kanilang lahat ay mas mabigat ang pinagdaanan bago ang mandatory military service nito dahil sa kinasangkutang marijuana case. Pero ayon kay Seungri­, “T.O.P. is doing well also.”

At nagpatawa ito pagda­ting kay Daesung. Sey niya, “As for Daesung, he is doing so well receiving training that there is no news.”

Katulad ng mga older member ng Big Bang, naka-plano na rin si Seungri ng pagpasok sa military. Tinatapos lang niya ang ilang mga commitment na natanguan na ng first half of 2018 at ilo-launch lang daw nito ang solo album ngayong June at susunod na rin na magpapa-enlist sa military.

Plano na ito ng limang miyembro ng Big Bang para sabay-sabay rin sila halos ng paglabas at pagre-resume ng grupo. Base nga sa mga nababasa naming comment sa social media, napakarami na halos nilang mga fan na nakaka-miss sa kanila at naghihintay sa magiging pasabog ng Big Bang sa kanilang pagbabalik.