Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taeyeon feeling jobless sa Korea

0 108

Hindi lahat ng South Korean celebrities ay open sa kanilang nararamdaman at pinagdadaanan ngayong may pandemic.

Aminado si Taeyeon ng Girl’s Generation na naapektuhan siya. Ito’y kahit na maagap ang ginagawang pagsugpo ng South Korean government sa COVID-19 at marami pa rin sa entertainment ang nakakapagpatuloy ng kanilang mga activities. Pakiramdam daw niya ay mas nawo-worsen pa ang situwasyon.

Nag-Instagram Live si Taeyeon para pakiusapan din ang lahat na seryosohin nga raw ang virus na ito .

Ayon sa singer, “I’ve started a live broadcast to talk with those who have been diligently practicing social distancing. COVID-19 has gotten so serious that I think the [current Level 2] social distancing rules have become Level 2.5 distancing. I don’t think we’re at Level 3 yet, but I honestly think we should consider them the same thing.”

Sey pa niya, “This pandemic isn’t getting any better, and it’s such a serious matter. There are so many people who are sick. Isn’t this affecting our daily lives? I think we’re beginning to fall apart. So I really hope everyone practices social distancing. I think that as the COVID-19 pandemic worsens, we have less and less that we can do. Isn’t that really annoying?”

Sa ngayon daw, nasa bahay lang din siya at nanonood ng mga drama, movie. Gumagawa rin siya ng bracelets at nakikipaglaro sa aso niyang si Zero.

Sabi pa niya, “Honestly, aren’t we all the same? We practice social distancing, we’re bored at home, we can feel lethargic, and we miss being with people. In a world that is already lonely without the COVID-19 pandemic, now we have to socially distance.”

Dapat ay may concert si Taeyeon sa Singapore noong February, pero dahil sa COVID-19, nakansela ito. Miss na miss na rin daw niya na mag-perform ng live at makasama ang mga fan.

“People may think that staying at home is nice for me since I’m a homebody, but above all, I’m a singer, so I also want to sing and perform at concerts. Once I think the pandemic is starting to go away, it just gets worse. It’s true that I’m starting to get exhausted.”

Inamin niyang dahil sa pandemic, naapektuhan na rin ang career niya.

“I think working people, not just me, are feeling a sense of loss and emptiness. I feel like I’ve lost my job now that I can’t perform. I really almost started crying just now. I’ll be waiting for the day I can meet everyone again.”

Sa isang banda, hindi man makapag-perform ng live sa ngayon si Taeyeon, maririnig naman ang boses niya dahil kumpirmado na isa siya sa kakanta ng OST ng bagong drama ng SBS. Kasama rin sina EXO’s Chen, Heize at iba pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.