Tag-init nagbabadya na – Pagasa

Asahan na ang maalinsangang panahon dahil humihina na ang northeast monsoon o amihan at tail end of a frontal system, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Mararanasan ng mga residente sa Central Luzon hanggang Mindanao ang warmer weather nitong weekend.

Maulap na kalangitan naman sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region dahil nakakaapekto pa rin sa mga lugar na ito ang amihan at low pressure area sa kanluran ng Luzon.
Balik sa 25 hanggang 31 degrees Celsius ang Metro Manila, Legazpi at Puerto Princesa.
“So makikita natin sa may Southern Luzon area na magkakaroon ng medyo maalinsangang panahon,” lahad ni weather specialist Raymond Ordinario. (IS)