Cebu City aayudahan ng doktor

Dinala ng Department of Health (DOH) para maglingkod sa Cebu City ang nasa 40 Doctor to the Barrios (DTTBS) para tumulong sa paglaban sa coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod na patuloy pang nakapagtatala ng mataas na kaso.