Inamin ni four-division world boxing champion Donnie Liboon ‘Ahas’ Nietes na masaya sa bago niyang napugarang boxing promotion dahil may tsansa na uli siyang makipag-upakan.
Matapos pagsarhan ng tabing ang mga boksingero sa ALA Boxing Promotions, plano ng MP Promotions na piratahin at sagipin ang ilan sa mga nawalan ng trabaho.