Manatiling Bukas sa Galaw ng Diyos sa Ating Buhay!

Maraming pangyayari at kaganapan sa ating buhay na hindi natin lubos na maintindihan at maipaliwanag. Kadalasan, misteryoso at nakagugulat ang mga galaw ng Diyos kaya’t malimit tayo ay nasusorpresa. Sa gitna ng lahat, patuloy ang ating pagkapit sa Panginoong lumikha sa atin nang buong tiwala at pananalig.