Bardagulan na

TINIO

Sumiklab na sa lantad na komprontasyon ang nagbabagang bangayan sa pagitan ni Pang. Duterte at ni Sen. Manny Pacquiao. Sa kanyang pinakahuling “Talk to the Nation,” nagpakawala si Duterte ng kumbinasyon na nagsisilbing babala kay Pacquiao na “salita nang salita na three times daw tayo mas corrupt.”