Matapos ang pitong buwan simula ng ipatupad ang lockdown dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, nakapagtala ng kauna-unahang kumpirmadong kaso sa lalawigan ng Batanes.
Ang maagang paghihigpit sa paglalakbay ay naipatupad sa lalawigan ng Batanes sa gitna ng COVID 19 na siyang dahilan kung bakit ang naturang lugar ay nanatiling COVID-19 free.