WebClick Tracer

Chanelle Avarsicio, 4 pang galing sa abroad paborito

Babalik ang limang kakahambalos lang sa labas ng bansa at ang iba pang mga alas para sa 10th Ladies Philippine Golf Tour 2023 Leg 2 P875K ICTSI Negros Occidental Classic sa Marso 16-18 sa Marapara Golf and Country Club sa Bacolod.

Clyde Mondilla, Chanelle Avaricio kakasa sa korona ng ICTSI Pradera

Aasinta si Clyde Mondila sa isa pang glorya sa 10th Philippine Golf Tour gaya nina Antonio ‘Tony’ Lascuña Jr., Angelo Que, Zanieboy Gialon, Guido Van Der Valk, Michael Bibat at nagbabalik na si Justin Raphael Quiban, samantalang si Chanelle Avaricio sa pang-apat na korona sa 9th Ladies PH Golf Tour sa pagsambulat ngayong Martes ng ICTSI (International Containter Terminal Services, Inc.) Pradera Verde Championship sa Lubao, Pampanga.

Avaricio reyna sa Pradera

Kinandado ni Chanelle Avaricio ang kampanya sa 72 upang kumpletuhin ang dominasyon para sa pangatlong korona, pinamayagpagan ang P750K International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) Pradera Verde Ladies Classic sa anim na panalo kontra sa nagtbla sa segundang sina Sarah Ababa at Chihiro Ikeda sa Lubao, Pampanga Biyernes ng hapon.

Avaricio umupo uli sa trono

Nakipagsababayan si Chanelle Avaricio kay Chihiro Ikeda sa palo-sa-palo, salpak-sa-salpak at tinapatan ang panapos na 72 ng karibal na Fil-Japanese upang makadalawang sunod na korona sa Ladies Philippine Golf Tour sa isang hampas na panalo sa P750K ICTSI Caliraya Springs Championship sa Cavinti, Laguna Huwebes ng hapon.

Avaricio abot-kamay korona

Sumampa si Chanelle Avaricio sa liderato kahit nag-74, sinangkalan ang pagkalusaw ni Marvi Monsalve sa frontside at ni Chihiro Ikeda sa backside upang lumapit sa back-to-back title ng Ladies Philippine Golf Tour Miyerkoles ng hapon.

Avaricio, Alido sa ICTSI golf

Handang sumabak at magpakitang-gilas sa pagbabalik ng Ladies Philippine Golf Tour si Chanelle Avaricio sa pagsisimula ng ICTSI Caliraya Springs Championship ngayong Martes sa Cavinti, Laguna.

TELETABLOID

Follow Abante News on