Michael Bibat, Chihiro Ikeda liyamado sa Pradera Verde

Nakaamba ang nakakatakot na pagsubok sa mga kalahok sa 10th Philippine Golf Tour 2022 sixth and final leg P2M Pradera Verde Championship at 9th Ladies Philippine Golf Tour 2022 10th & penultimate leg P750K PVC sa papasok na linggo na may malalakas na hangin mula sa umpisa hanggang katapusan, dagdag pa ang mga mapanlinlang at bitag na nasa kabuuan nang mapaghamong layout.

Ikeda asinta korona, OOM

Hahakbang ang mga naglalakbay na kababaihan sa huling tatlong bahagi ng 10th Philippine Ladies Golf Tour 2022 simula sa Leg 8 P750K ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) Valley Golf Challenge ngayong Miyerkoles sa Antipolo na rito’y kayod si Chihiro Ikeda para sa pangatlong yugtong korona at liderato ng Order of Merit.

Chihiro, tropa lusob sa Valley

Haharap ang mga kababaihang naglilibot sa bansa sa isa pang mabigat na pagsubok kapag humambalos ang pangwalong yugto ng 10th Ladies Philippine Golf Tour 2022 P750K ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) Valley Golf Ladies Challenge sa taksil na South course sa Antipolo sa Setyembre 7-9.

Avaricio reyna sa Pradera

Kinandado ni Chanelle Avaricio ang kampanya sa 72 upang kumpletuhin ang dominasyon para sa pangatlong korona, pinamayagpagan ang P750K International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) Pradera Verde Ladies Classic sa anim na panalo kontra sa nagtbla sa segundang sina Sarah Ababa at Chihiro Ikeda sa Lubao, Pampanga Biyernes ng hapon.

Avaricio umupo uli sa trono

Nakipagsababayan si Chanelle Avaricio kay Chihiro Ikeda sa palo-sa-palo, salpak-sa-salpak at tinapatan ang panapos na 72 ng karibal na Fil-Japanese upang makadalawang sunod na korona sa Ladies Philippine Golf Tour sa isang hampas na panalo sa P750K ICTSI Caliraya Springs Championship sa Cavinti, Laguna Huwebes ng hapon.

Avaricio abot-kamay korona

Sumampa si Chanelle Avaricio sa liderato kahit nag-74, sinangkalan ang pagkalusaw ni Marvi Monsalve sa frontside at ni Chihiro Ikeda sa backside upang lumapit sa back-to-back title ng Ladies Philippine Golf Tour Miyerkoles ng hapon.

Superal reyna sa ICTSI golf

Dinaig ni Princess Mary Superal sina Harmie Constantino at Chihiro Ikeda sa birdie sa front at ang palabang si Chanelle Avaricio sa birdie sa 17th pa-65 at itarak ang one-stroke victory sa ICTSI Sherwood Ladies Challenge sa Trece Martirez City Biyernes.