165 Manilenyo nagpositibo sa rapid test

Umabot sa may 165 indibiduwal ang nagpositibo sa COVID-19 sa isinagawang rapid test sa may 8,018 katao ng Manila Health Department (MHD) sa may 31 barangay na isinailalim sa lockdown sa Maynila.