Jonina, Lady Cards reresbak

Magkukumplutan sina team skipper Jonina Fernandez at Therese Angeli Manalo para ibalikwas ang Mapua Lady Cardinals kontra San Beda Lady Red Spikers sa humihigpit na aksiyon sa 97th National Collegiate Athletic Association women’s volleyball tournament eliminations sa Paco Arena sa Maynila ngayong Biyernes.